-- Advertisements --

Pumanaw na ang Canadian actor na si Graham Greene sa edad 73.

Kinumpirma ng kaniyang manager na si Gerry Jordan ang pagpanaw ng actor.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sa pagpanaw ng actor.

Bago naging actor ay nagtrabaho muna ito sa bilang draftsman, civil technologist, steelworker at rock-band crew member.

Noong dekada 70 ng magsimula ang kaniyang karera sa teatro.

Nakilala siya ng makasama sa pelikula ni Kevin Costner na “Dances With Wolves” noong 1990.

Sa nasabing pelikula ay nakakuha ito ng nominasyon sa Academy Awards bilang Best Supporting Actor.

Nakasama rin ito sa mga pelikulang “Die Hard With A Vengeance” noong 1995; “Maverick” noong 1994 ; “The Twilight Saga: New Moon” noong 2009 at “Wind River” noong 2017.

Ginawaran siya ng Earle Grey Award for Lifetime Achievement ng Academy of Canadian Film and Televsion sa taong 2004.

Taong 2016 ng ma-induct ito sa Order of Canada ang pangalawang pinakamataas na civilian honor.