SOPHIE TRUDEAU 2

Nananatili umano sa magandang kondisyon ang kalusugan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang maybahay na si Sophie Gregoire (Gregwa) Trudeau.

Ayon kay Cameron Ahmad, conmmunication’s director ng prime minister, hindi muna sasailalim sa coronavirus testing ang prime minister dahil hindi pa raw ito nagpapakita ng kahit anong sintomas.

“Following medical advice, she will remain in isolation for the time being. She is feeling well, is taking all the recommended precautions and her symptoms remain mild,” ani Ahmad.

Nakatakdang magbigay ng kaniyang talumpati si Trudeau sa harap ng publiko.

Labis naman ang pasasalamat ni Sophie para sa lahat ng well wishes na natatanggap. Aniya, kahit daw hindi maganda ang pakiramdam nito dahil sa virus ay sinisigurado niyang babalik kaagad siya sa pagtatrabaho sa oras na gumaling ito.

Sa huling datos ng Canadian government, umabot na sa 183 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus pandemic sa Canada.