-- Advertisements --
Nilampaso ng Canadian basketball team ang USA 127-118 sa overtime para makuha ang bronze medal ng 2023 FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Bumida sa panalo ng Canada si Shai Gilgeous-Alexander na siyang nagbukas ng 5-0 run 116-111 sa pagbubukas ng overtime period.
Pinilit pa ng USA na makahabol sa laro subalit naging matindi ang depensang ipinakita ng Canada.
Nanguna sa Canada si Dillon Brooks na nagtala ng kabuuang 39 points , apat na rebounds, limang assists, isang steal at dalawang blocks.
Inamin naman ni Team USA coach Steve Kerr na tila nawalan sila ng gas para tuluyang makahabol kontra Canada.