-- Advertisements --
Magpapatupad ang Canada ng vaccine mandate sa lahat ng federal workers ganon din sa mga sumasakay sa pampublikong sasakyan.
Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na lahat ng mga federal employees ay dapat magdeklara ng kanilang full vaccination status sa online ng hanggang Oktubre 29.
Habang ang mga empleyado, pasahero na may edad 12 pataas na sasakay sa mga trains, eroplano at marine transport ay dapat hanggang Oktubre 30 ay nabakunahan na sila.
Itinuturing ni Trudeau na isa na ito sa pinakamahigpit na travel measures.