-- Advertisements --

Magpapadala ang Canada ng 150 military personnel sa Poland para magbigay suporta sa mga refugee na galing sa Ukraine dahil sa patuloy na paglusob ng Russia.

Sinabi ni Canadian Defense Minister Anita Anand, na kanilang ilalagay ang mga sundalo sa border ng Poland at Ukraine.

Mahigit 4.5 milyon na kasi ng mga refugee ang lumikas sa Ukraine mula ng maglunsad ang Russia ng atake noong Pebrero 24.

Magugunitang maraming mga sundalo ng Ukraine at Russia ang nasawi dahil sa patuloy na digmaan.