Sinimulan na ng mga awtoridad ng Canada nitong Sabado ang pagsisiyasat sa pagsabog ng Titan submersible, na may lulan na limang lalake na nawala malapit sa Titanic wreckage.
Ayon kay Transportation Safety Board (TSB) chair Kathy Fox, mandato nila ang alamin kung ano ang nangyari para malaman kung ano ang kailangan baguhin o ayusin upang maiwasan ang mga naturang panganib sa hinaharap.
Ang buong imbestigasyon ay maaaring tumagal ng 18 buwan hanggang dalawang taon.
Ang Transportation Safety Board ay regular na sinusuri ang mga aksidenteng nagaganap sa rail, air, marine, at pipeline na may layuning mapabuti ang kaligtasan sa transportasyon.
Sinabi ng US Coast Guard noong Huwebes na lahat ng limang tao na sakay ng submersible ay kumirmadong patay matapos ang catastrophic implosion.
Isang debris field ang nataguan sa seafloor, 1,600 feet (500 meters) mula sa bow ng Titanic.
Samantala, tinitingnan naman ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) kung may criminal law na nasira sa hanay ng mga kaganapan na humantong sa pagkamatay ng Titan Adventurers.