Sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw, nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) laban sa pagsali sa vote buying at iba pang poll offense.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ididisqualify ng poll body ang mga kandidatong mapapatunayang lumalabag sa mga panuntunan sa halalan.
Hinimok din niya ang mga Pilipino na iulat ang anumang paglabag at nangakong aaksyunan ito ng Comelec.
Binigyang-diin din ni Garcia ang pangangailangan para sa lahat ng kandidato ng BSKE na sumunod sa ipinag-uutos na laki ng mga campaign materials at iwasang i-post ito sa mga pampublikong lugar.
Ang Task Force Anti-Epal ng Comelec ang mamumuno sa pagsasampa ng disqualification cases laban sa mga lalabag sa patakaran sa campaign materials.
Una nang sinabi ni Garcia na ang deployment ng mga balota at iba pang mga election paraphernalia ay 95% complete para sa nalalapit na BSKE.