Sa ikatlong pagkakataon, papasayahin ng Canadian singer na si Carly Rae Jepsen ang kanyang mga Pinoy fans.

Batay sa impormasyon, itinakda ng 33-year-old singer ang “The Dedicated Tour” nito sa bansa sa October 23 ngayong taon.

Taong 2013 at 2015 nang unang beses mag-concert sa Pilipinas si Jepsen na siyang nagpasikat sa awiting “Call Me Maybe.”