Malaki raw ang improvement na nais isagawa ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa port Irene kaya naman malaki rin ang hinihiling nilang pondo.
Ang karagdagang P2 billion na pondo ay gagamitin daw sa expansion ng Port Irene.
Sa pagdinig ng Senate committee on finance sub-panel na pinangunahan ni Senator Mark Villar, sinabi ni CEZA business development manager Gabriel Lingan na kailangan nila ng mas malaking pondo kumpara sa P631.8-million proposed budget para sa 2023 sa ilalim ng National Expenditure Program.
Ang tinaguriang lion’s share ng proposed extra funding ay gagamitin daw sa construction ng karagdagang piers sa Port Irene na nagkakahalaga ng P734,103,800.
Inihihirit din ng CEZA ang karagdagang P400 million para sa pagpaptayo ng fuel depot at P243.508 million para naman sa dredging at reclamation.
Hiniling din ng ahensiya ang karagdagang pondo para sa maintenance ng Port Irene breakwater na nagkakahalaga ng P132 million, communication system, P100 million at road system construction na nangangailangan ng P395 million.
Paliwanag ni CEZA administrator Jaime Escaño, na makakapag-generate daw ng revenue ang ahensiya sa pagtatayo ng karagdagang pier sa Port Irene.