KORONADAL CITY – Nagpapagaling ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang kasapi ng CAFGU matapos binaril sa bahagi ng Brgy. Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang naturang biktima na si Rey Egol, 20-anyos at residente ng naturang lugar.

-- Advertisement --

Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima kagabi mula sa kaniyang duty nang nilambatan ito ng mga kalalakihan at binaril.

Kaagad itong humingi ng tulong kaya tumakas ang mga suspek bago ito nawalan ng malay.

Nagtamo si Egol ng tama ng bala sa kaniyang tiyan at patuloy pang inoobserbahan sa provincial hospital.

Posibleng motibo na personal grudge o mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang mga suspek sa naturang pamamaril.