BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 4 upang makilala at mahuli ang responsable sa pagbaril sa isang aktibong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) pasado alas-6:15 ng gabi.

Kinilala ni PCaptain Emmerson Alipit, tagapagsalita ng Butuan City Police Office, ang biktimang si Recto Mabasli, 50-anyos, may asawa, residente ng Sitio Dinakpan, Barangay Los Angeles nitong Lungsod ng Butuan at nadestino sa patrol base ng Barangay San Antonio, bayan ng RTR, Agusan del Norte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Captain Alipit na mula pa ang biktima sa pagha-hire ng mangunguna sa death anniversary prayer para sa kanyang anak na pinatay din noong Nobyembre 29 nitong nakalipas na taon .

Ayon kay Captaion Alipit, pagkadating ng biktima sa tapat ng kanyang bahay ay agad itong nilapitan ng ‘di kilalang responsable sabay baril sa kanyang ulo at leeg sanhi ng kanyang agarang kamatayan.