KORONADAL CITY – Dalawang katao ang nasugatan sa nangyaring clan war sa Tboli, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Police Major Bernie Faldas sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang mga biktima na sina Pablo Gan Saw, 51-anyos, may asawa at aktibong miyembro ng CAFGU ng Delta company 27th Infantry Battalion, at Jake Pareñas Sinaon, 34-anyos na magsasaka at miyembro ng Palon’s clan.
Kapwa nagtamo sila ng minor injuries sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na agad isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Matagal na umanong alitan sa lupa ang dahilan ng away ng dalawang angkan.
Nakuha sa lugar ang 14 na piraso ng fired cartridge ng cal. 5.56 mm; apat na piraso ng fired cartridge ng cal.9 mm; at isang wad ng 12 gauge shotgun.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.