-- Advertisements --

Pumirma ng panibagong kontrata sa Terrafirma si Alex Cabagnot.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi nig 39-anyos na guard ang nasabing balita habang ito ay nagpapagaling mula sa kaniyang achilles injury.

Dagdag pa nito na labis siyang nagpapasalamat dahil sa makakapaglaro muli ito ng dagdag na isang season sa nasabing koponan.

Magugunitang noong Nobyembre ay natapos na ang 11-taon na pananatili ng 6-foot guard ng San Miguel Beermen matapos na ma-trade ito kay Simon Enciso.

Apat na beses pa lamang itong naglaro sa Terrafirma matapos na magtamo ng injury noong Disyembre.