-- Advertisements --

Inatasan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang lahat ng airline companies sa bansa na agad na ipatupad ang travel restriction sa South Korea dahil sa coronavirus disease outbreak.

Ang nasabing advisory ay inilabas base sa travel advisory mula sa Department of Health sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease.

Ayon sa CAB na sakop ng restriction ang pagbiyahe ng Pilipinas patungong South Korea at biyahe mula North Gyeongsang Province, South Korea kabilang ang Daegu City at Cheongdo Country.

Hindi sakop ng restriction ay ang mga permanent residents ng South Korea, mga Filipinos na nag-aaral sa nasabing bansa at overseas Filipino workers na may pirmadong written declaration, mga Filipino at kanilang mga foreign spouses at mga anak ganun din mga permanent residents at diplomatic -visa holders na bumabiyahe mula South Korea ang papayagang makapasok sa bansa na dadaan sa screening at quarantine protocols.