-- Advertisements --

Naglabas na ng guidelines ang Civil Aeronautics Board (CAB) patungkol sa travel restrictions mula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021.

Sinabi ng CAB na tanging ang mga authorized persons outside of the residences lamang ang papayagan na makabiyahe papasok at palabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

NAIA AIRPORT OFW DEPARTURE

Ang mga indibidwal na ito ay ang mga essential workers, health at emergency frontline services personnel, government officials at government frontline personnel, duly authorized humanitarian assistance actors, mga indibidwal na kailangan bumiyahe dahil sa medical o humanitarian resons, mga babiyahe abroad, mga babiyahe dahil sa trabaho o negosyo at mga papauwi sa kanilang bahay, pati na rin ang mga returning overseas Filipino at overseas Filipino workers.

Mahigpit na ipinagbibilin ng CAB sa kanilang advisory na bawal ang pagbiyahe para sa non-leisure purposes.

Kahapon, inanunsyo ng pamahalaan ang travel restrictions sa mga papasok at palabas ng NCR plus bubble kasunod nang surge sa COVID-19 cases sa bansa.