-- Advertisements --
Pinayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa mga Mayon Volcano.
Kasunod ito sa nangyaring phreatic eruption nitong Linggo ng umaga.
Ayon a CAAP, na naglabas sila ng notice to airmen (NOTAM) na pinagbabawalan ang paglipad ng nasa 10,000 feet ng bulkang Mayon.
Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon na ang phreatic eruption ay tumagal ng apat na minuto at siyam na segundo nitong pasado alas-4 ng hapon nitong linggo base na rin sa Phivolcs.










