-- Advertisements --
image 399

Magsisilbing host ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa susunod na taon, para sa 59th Conference of Directors General of Civil Aviation Asia and Pacific Regions(DGCA).

Ang naturang conference ay taunang isinasagawa ng mga bansa na nasa Asia-Pacific Region at dinadaluhan ng mga aviation directors general ng bawat bansa.

Tinatalakay dito ang aviation safety, security, air navigation, economic development, at air transportation.

Una rito, napili ang Piliinas bilang Vice-Chair sa nakalipas na Conference naginanap sa Dhaka, Bangladesh.

Ayon sa CAAP, ang pagdalo at hosting sa mga naturang conference ay bahagi ng pagnanais nitong lalo pang mapagbuti ang serbisyo nito sa sektor ng aviation, at makita ang mga best practices ng iba pang mga bansa.

Naghahanda na rin aniya ito para sa ikatatagumpay ng naturang conference.

Samantala, gaganapin ang komperensya sa lungsod ng Cebu, Cebu.