-- Advertisements --

Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippine kaugnay sa nakatakdang paglunsad ng North Korea ng kanilang satellite.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang nasabing NOTAM ay inisyu nila sa lahat ng mga commercial pilots para maiwasan ang airspace na nasaakupan ng North Korea, South Korea at silangang bahagi ng Japan.

Bilang bahagi ng pag-iingat ang nasabing NOTAM sa lahat ng mga piloto at commercial airlines at ipatupad ang aviation safety protocols.

Nakasaad sa nasabing NOTAM na dapat iwasan ng mga piloto ang pumasok sa apektadong airspace mula Mayo 31 ng alas-8 ng umaga hanggang 7:59 ng umaga ng Hunyo 11.

Una ng inanunisyo ng North Korea na kanilang natapos at ilulunsad na ang unang military spy satellites.