-- Advertisements --
image 493

Pormal nang binuksan ng ilang commercial airport sa bansa na pinapatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang kanilang Malasakit Help Desks.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista para sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2023.

Layunin rin nito na makapagbigay ng maayos na asistensya at publiko ngayong long weekend. 

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga paparating at papaalis na mga pasahero sa mga commercial airports sa mga pangunahing lungsod at probinsya sa buong bansa  ngayong nalalapit nag BSKE at Undas.

Sa mga paliparan ay namamahagi na rin ang CAAP ng mga  Malasakit Help Kits sa mga dumarating at papaalis na pasahero.

Ito ay bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga pasahero para sa patuloy nitong pagtangkilik sa mga paliparan sa bansa.

Ang Malasakit Help Kits ay regular na ipinamamahagi ng CAAP sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos at iba pang holiday at espesyal na okasyon tulad ng Mother’s Day, International Women’s Day, Valentine’s Day, mga kampanya sa masikip na panahon ng transit gaya ng Pasko, Holy Week, at balik eskwela