Simula nitong Miyerkules, June 17, ay may 16 na local government units na ang nagbigay ng “go signal” para tumanggap ng commercial flights, kasabay ng pagbabalik operasyon ng kanilang mga paliparan.

Batay sa inilabas na anunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga local airport na pinayagan nang magbukas ay ang:

  1. Romblon Airport
  2. Naga Airport
  3. Manila International Airport
  4. Clark International Airport
  5. Laguindingan Airport
  6. Dipolog Airport
  7. Pagadian Airport
  8. Mactan-Cebu International Airport
  9. Cotabato Airport
  10. Zamboanga Airport
  11. Davao International Airport
  12. General Santos Airport
  13. Puerto Princesa International Airport
  14. Tacloban Airport
  15. Legazpi Airport
  16. Catarman Airport

Ayon sa CAAP, kahit bukas na sa operasyon ang nabanggit na mga paliparan ay may kaukulang dokumento pa rin ang mga pasahero sasakay at dadating, alinsunod sa patakaran ng bawat LGU.

“Some airports, while allowing commercial flights, are subject to different documentary and passenger LGU restrictions.”

“Note that the resumption of regular commercial flights depend on coordination and conditions imposed by LGUs.”

Batay sa unang anunsyo ng Malacanang, pwede nang lumipad ang commercial flights sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Pero kaakibat nito ang approval ng LGUs na tatanggap ng mga darating na pasahero.