Reading Time: 1 minute

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ng kumpanyang konektado sa KAPA Community Ministry International Inc. na matanggal sila sa freeze order at bank inquiry matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mininstry.

Partikukar na ibinasura ng CA ang plea ng Hawkson’s Truck and Parts Center na nakabase sa General Santos City na unang humiling na ma-lift ang freeze order at bank inquiry na inisyu laban sa kanila.

Una nang nag-isyu ang CA resolusyon para sa pag-isyu ng freeze order at bank inquiry sa P100 million assets ng KAPA maging ng kanilang officers at members at kumpanya na konektado rito.

Iginiit noon ng kumpanya na walang legal at factual basis para isama sila sa freeze order.

Samantala, kasama naman sa bank inquiry ang assets ng KAPA sa Bank of Philippine Islands at Banco De Oro.

Inisyu ng CA ang order para masigurong hindi mawala ang mga assets ng KAPA.

Ang desisyon ay isinulat ni CA Justice Rafael Santos, Chairperson Mariflor Punzalan-Castillo at Senior Member Danton Bueser.