Biyaheng Tokyo, Japan si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa darating na Pebrero 8 para sa isang Official Working Visit.
Sa pre-departure briefing, sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs, Neal Imperial na inaasahang mas magpapalakas pa sa naturang biyahe Ng Pangulo Ang relasyon sa pagitan Ng Japan at Ng Pilipinas.
Kaugnay nito ay inihayag ni Imperial na kasama sa magiging aktibidad ng Pangulo ang pakikipag- kita kay Japanese Prime Minister Kishida Fumio na ditoy inaasahang mapag- uusapan Ang Ilang bilateral issues.
Ito ang ikalawang pagkakataong magkakaharap Ang dalawa pagkatapos Ng kanilang pagkikita limang buwan na Ang nakakaraan sa UN General Assembly sa New York.
Kasama rin sa makikipagkita sa Pangulo at First Lady Liza Araneta-Marcos sina Emperor Narujito at empress Masako sa pamamagitan Ng isang Imperial audience.
Ilan naman sa kasama sa official delegation ay Sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, DFA sec Enrique Manalo, DTI Secretary Alfredo Pascual at Energy Secretary Raphael Lotilla at PCO Secretary Cheloy Garafil.
Inaasahang babalik ang Pangulo ng February 12, 2023.