-- Advertisements --

Hawak na ng defending champion Denver Nuggets ang 2-0 na kalamangan laban sa Los Angeles Lakers 101-99 sa round 1 ng Western Conference playoff series.

Hinabol ng Nuggets ang 20 points na kalamangan ng Lakers kung saan naging susi sa panalo si Jamal Murray.

Naipasok kasi nito ang buzzer beater na tira at nakuha ang winning score na 101-99.

Nanguna sa panalo ng Nuggets si Nikola Jokic na nagtala ng 27 points, 20 rebounds at 10 assists.

Ito na ang 10 sunod na panalo ng Nuggets laban sa Lakers kabilang ang sweep nila noong nakaraang season sa Western Conference Finals.