-- Advertisements --
image 107

Lumagpas pa sa target ang buwis na nakolekta noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), umabot sa P228.938 billion net of tax refund ang nakolekta na mas mataas pa sa target na P219.172 billion para sa Agosto.

Kung ikukumpara naman sa nakolekta noong August 2021, mas mataas din ito ng 23.03% sa nakolekta noong nakalipas na buwan ng kasalukuyang taon.

Bunsod nito, umabot sa kabuuang P1.559 trillion ang cumulative collections ng BIR mula noong Enero hangang noong Agosto ngayong taon na mas mataas ng 12.25% kumpara sa parehong period ng nakalipas na taon.

Ayon naman sa economic manmagers na ang pagdigitalize sa pagkolekta ng bueis at iba pang government transaction ay makakatulong para mapabuti ang koleksyon na makakapagpataas pa ng pondo para sa mga social projects at infrastructure developments ng gobyerno.