-- Advertisements --

Hindi umano nababahala ang Miami Heat kahit namemeligro na ang kanilang team na ma-sweep ng Milwaukee Bucks.

Ginawa ni Jimmy Butler ang pahayag nang ipatikim ng Bucks ang ikatlong talo sa reigning Eastern Conference champion.

Ayon kay Butler, kaya pa nilang makontrol ang laro at sana’y na sila sa kalagayang ganito.

Kung maalala noong nakaraang taon sa NBA bubble ay madaling naidispatsa ng Heat ang Bucks.

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya ang mga Bucks player na sina Khris Middleton na may 22 points, Jrue Holiday na nagdagdag ng 19 points at 12 assists at ang MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagtapos sa 17 points at 17 rebounds.

Maaaring tapusin ng Bucks ang serye sa Linggo at tuluyan silang aabante sa Eastern semifinals.

Sa naging laro nitong araw, si Butler ay umiskor ng 19 points habang si Bam Adebayo ay nagdagdag ng 17 para sa Miami.

Ang panalo ng Bucks ay sa kabila na bumuhos ang biggest Miami fans sa arena na umabot sa 17,000 upang suportahan na makabangon sana ang kanilang koponan.

“We’re not worried about that,” ani Butler. “We control what we can control and that’s how we play that’s how we prepare, how we compete.”