Napanatili ng bagyong Butchoy ang lakas nito habang tinatahak ang probinsiya ng Zambales.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga.

May dala itong hangin na hanggang 45 kilometer per hour at pagbugso ng 75kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan at Metro Manila.

Magdudulot pa rin ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands at Occidental Mindoro.

Habang mayroong mahina at katamtamang lakas ng ulan ang mararamdaman sa CALABARZON, Visayas, Caraga, Davao Region at natitirang bahagi ng Luzon.