-- Advertisements --
Pinayuhan ng Pagasa ang publiko na paghandaan pa rin ang mga biglaang buhos ng ulan, lalo na sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa ulap na nahatak ng bagyong Butchoy kahit ito ay nakaalis na sa bansa.
Maliban sa nagdaang bagyo, nakakaapekto rin ang hanging habagat, lalo’t nagsimula na ang tag-ulan sa Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 445 km sa kanluran ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang tropical storm Butchoy nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.