Hinikayat ng ilang business at technology experts ang gobyerno na payagan pa ang mas maraming partisipasyon ng private sectors, para mabilis na makabangon ang ating ekonomiya.
Ginawa ito ng ilang ekonomista at tech savy, sa kanilang pagharap sa joint hearing ng Trade, Commerce and Entrepreneurship at Economic Affairs na pinangunahan nina Sens. Koko Pimentel at Imee Marcos.
Pinuri ng mga senador ang ipinatutupad na safety seal ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga business establishments, para matukoy kung alin ang mga tumatalima sa protocols at alin naman ang hindi.
Pero ayon sa business at tech expert na si Ramon Garcia Jr., mahalagang mabigyan pa ng higit na papel ang private sector para sa mas mabilis na pagpapalago ng ekonomiya.