Inaasahang malalagpasan ng Board of Investments (BOI) ang target nitong P1.5 trillion ngayong taon.
Ito ay batay sa pagtaya ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na siyang ring nagsisilbing BOI chairman.
Sa kasalukuyan kasi ay naabot na ng ahensiya ang P800 billion investment registrations na mahigit pa sa kalahati ng kabuuang target nito.
Ayon kay Sec. Pascual, mayroong 130 investment leads na may halagang $71billion ang naipasok noong nakalipas na taon, kung saan 16 projects na may kabuuang halaga na $1.2billion ang una nang nag-commit sa BOI at Philippine Economic Zone Authority.
Maalalang unang itinaas ni Sec. pascual ang target collection ng hanggang sa P1.5trillion mula sa dating P1trillion.
Ayon sa kalihim, ang pagtataas dito ay inaasahang lalo pang makakahikayat sa mga mamumuhunan mula sa ibang mga bansa.