Hinikayat ng mga business group si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng malinaw na stratehiya para makabangon ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng coronavirus pandemic.
Sa pinagsamang sulat ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP) and Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT) , na bagamat pangunahing prioridad ng gobyerno ang kalusugan subalit dapat na balansihan ng gobyerno ang pagbangon ng ekonomiya.
Maraming mga pagkaantala na ng proyekto at naapektuhan ang pribadong sektor.
Hiniling din nila ang pagbago ng Public Service Act, Magna Carta for MSME at PPA Charter Open Access in Data Transmission Act , Warehouse Receipt Act at Apprenticeship Training System Act para matulungan ang mga maliliit na negosyo.