-- Advertisements --

Nagbabala si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga establisyemento na lumalabag sa minimum public health standard na sila ay sasampahan ng kaso at ipasasara ang kanilang negosyo.

Ang pahayag ni Eleazar ay may kaugnayan sa isang insidente sa Caloocan City kung saan nakita sa social media na may mga guest na naliligo sa swimming pool sa kabila na umiiral pa rin ang MECQ sa NCR Plus.

Pinaiimbestigahan na ni Eleazar sa Caloocan PNP ang insidente upang matukoy kung sino ang dapat managot sa insidente.

Sinabi ni Eleazar na sasampahan nila ng kaso ang resort owner maging ang mga opisyal ng barangay.

Pinag-aaralan din ng PNP kung kanilang sasampahan ng kaso ang mga indibidwal na nagtungo sa resort para mag swimming.

“Well una kasi the best thing to do is to prevent that to happen and we are seeking, appealing to the establishments in the different areas na huwag kayong maghold or i-prevent niyo yung ganung nangyari. NCR is under MECQ and as such bawal talaga yun so may violation kaya nga ang Mayor ng Caloocan tatanggalan siya ng lisensya at kakasuhan siya. Talagang kakasuhan ng PNP itong may ari at pinag-aaralan na filan ng kaso pati yung barangay chairman in the area for violation of Article 208. Well they have to justify bakit hinayaan na mangyari yun and then of course these are part of the investigation,” pahayag pa ni Eleazar.