-- Advertisements --

Upang maiwasan na ang tensiyon at tuluyan nang maayos ang power supply sa Iloilo City, nakikiusap na ang mga business at transport leaders sa Panay Electric Company (PECO) na tanggapin na hindi na ito ang distribution utility sa Iloilo City at mag-move on para na rin sa ikabubuti ng mga consumers.

Sa magkahiwalay na media statements, sinabi ng Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF) na kumpiyansa na ang mga business leaders sa pamamalakad ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power), sa mga inilatag umano nitong modernization progam na popondohan ng P1.8 billion ay tiwala silang magkakaroon na ng maayos na electricity service na hindi nagawa sa ilalim ng pamamahala ng PECO.

“PECO could best serve Iloilo’s interests if it accepts it has lost the power distribution business.We call for unity in the face of the global health crisis and for PECO to accept the things it can no longer change — expired franchise, revoked CPCN, revoked Mayor’s Permit — for the whole of Iloilo City to move forward and level up as envisioned by the city government,”pahayag ILEDF Executive Director Francis Gentoral.

Sinabi ni Gentoral na sinasamantala ng PECO ang pagpapalabas ng negatibong write up ukol sa More Power dahil sa nararanasang brownout subalit sa kanilang panig umano ay naiintindihan nila na ang power interruption ay resulta lamang ng ginagawang comprehensive preventive maintenance o pagpapabuti ng pasilidad.

Kaugnay nito, ikinatuwa din ng ILEDF ang sistema ng paniningil sa kuryente ng More Power, ayon kay Gentoral, per kilowatt hour (KWh) rate na mababa sa P10 ang singil sa kanila kaya kitang kita ang pagbaba sa singil sa kuryente kumpara noon sa PECO na may pinakamataas na power rate sa buong bansa.

Tinukoy nito ang pag aaral noong 2010 na ginawa ng Singapore-based electricity distribution at consulting firm na WSP na nagrerekomenda sa PECO na magpatupad na ng mga significant investments sa kanilang distribution system para makatugon sa business at industry sector requirements subalit walang ginawa ang PECO hanggang sa bumilang ang maraming taon at sa 2018 WSP lumitaw na ang PECO ang syang pinakahuli sa buong Pilipinas pagdating sa pagbibigay ng moderno at maasahang power service na huling huli sa mga malalaking lungsod gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao.

Iginiit ni Gentoral na hindi na dapat habulin pa ng PECO ang kanilang negosyo sa Iloilo dahil mismong mga consumers na ang umayaw dito, nakita umano ng mga residente sa ilang buwan pa lamang na pagseserbisyo ng More Power ang pagtugon nito sa mga problema partikular sa pagnanakaw ng kuryente, fire prevention at overall improvement sa serbisyo nito

“The new distribution utility does corrective maintenance on the existing distribution facilities which had fallen into such a serious state of disrepair brought about by years of neglect and lack of capital investments,” base sa statement ng ILEDF.

Gayundin ang pahayag ng Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA), sinabi ng tagapangulo nito na si Raymundo Parcon na nakikita nila ang upgrading sa mga substations at distribution lines na ginagawa ng More Power taliwas sa alegasyon ng PECO na ang nararanasnag brownout ay dahil sa kawalang experience ng bagong power company.

Aminado si Parcon na mula nang itakeover ng More Power ang pagsusupply ng kuryente sa Iloilo City ay nakita nila ang malaking kaibihan ng serbisyo nito kumpara sa PECO.

“More is really committed to deliver the needed upgrades in all aspects of their operations, from upgrading the capacity of every substations to their distribution lines, and replacements of old meters of its consumers,” ani Parcon.

Tinukoy pa nito ang pagiging open at transparent ng pangulo ng More Power na si Roel Castro na hands-on umano sa operations ng kumpanya mula sa pagbibigay ng update sa kanilang ginagawang preventive maintenace hanggang sa pagtugon sa mga consumer complaints na ilang dekada umano nilang hindi nakita sa PECO.