-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lalo pang tumindi ang epekto ng nangyayaring bushfire sa Australia.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa Bombo International Correspondent sa Australia na si Jowayne Czar Espinosa ng San Joaquin, Iloilo, sinabi nito na mahigit 100 paaralan ang pansamantalang pinasara sa mga “high-risk zones.”

Ayon kay Espinosa, pinahahanda na rin ang libo-libong residente na lumikas dahil sa inaasahang pagtaas pa ng temperatura na maaaring umabot sa 42 degrees Celsius

Itinaas na rin aniya sa catastrophic status ang sitwasyon lalo’t mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa malakas na hangin.

Ang catastrophic warning ay nangangahulugang hindi na makakayanan ng mga bombero na apulahin ang apoy.

Sa ngayon, nababalot ng makapal na usok ang buong Sydney sa loob na ng dalawang araw.

Pinaalalahanan na rin ang mga residente na iwasan ang paglabas ng bahay dahil umakyat na rin sa “hazardous levels” ang usok sa paligid.