CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na umabot pa ng buhay ang isang motorista ng tumilapon matapos magka-head on collision ang motorsiklo at bus sa provincial road Campabia San Miguel, Manolo Fortich, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Jerome A. Lumihay, 22, binata at residente sa PS1 Damilag sa naturang lungsod.

Sinabi ni S/Sgt. Mark Aloisos Benayo Teregoza, traffic investigator ng Manolo Municipal Police Station, pagdating sa kurbadang bahagi sa naturang lugar lumampas sa linya ng motor ang bus na minamaneho ni Jerson Ubanan, 26, at residente rin sa Damilag kung kaya’t humantong sa pagka-head on collision.

Ayon kay Teregoza dahil sa tindi ng banggaan ay tumilapon si Lumihay at nakaladkad ang kanyang motorsiklo sa ilalim ng bus.

Bigla umanong nagliyab na nagresulta sa pagka sunog ng bus at motorsiklo.