Nakatakdang iburol si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel Jr. sa Taguig, Senate building, at Cagayan de Oro, ayon sa kanyang anak na si Sen. Koko Pimentel.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Koko na isasagawa nila ang burol ng kanyang ama sa Chapels 7 at 8 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City mula alas-7:00 ng gabi ngayong linggo hanggang sa Martes, Oktubre 22.
Sa darating na Miyerkules ng umaga, Oktubre 23, ay ililipat ang labi ng namayapang senador sa Senado sa Pasay City.
Pagsapit ng hapon ng Oktubre 23 ay ililipad ito sa Cagayan de Oro para iburo sa kanilang City Hall hanggang umaga ng Oktubre 25 bago ilipad pabalik pagka-hapon sa Heritage Memorial Park.
Samantala, sa mga susunod na araw pa umano iaanunsyo ng pamulya ang libing ng dating pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Pumanaw si Pimentel kaninang umaga matapos makipaglaban sa sakit na lymphoma at pneumonia.