-- Advertisements --
naia 2

Nagpahayag ng pagka-alarma ang Bureau of Immigration dahil sa paulit-ulit na pagkakahuli sa ilang mga Senegalese na gumagamit ng mga pekeng dokumento sa paliparan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na dumarami ang bilang ng mga Senegalese na kanilang nahaharang dahil sa ang passport nito ay mayroong pekeng stamp at peke rin ang kanilang mga Visa.

Aniya, ipinapahiwatig lamang nito na mayroong isang sendikato ang nanloloko sa mga ito at nag-aalok na ayusin ang kanilang mga dokumento, ngunit sa hakip ay binibigyan sila ng mga pekeng dokumento .

Nauna nang iniulat ng Bureau of Immigration ang matagumpay na pagkakaharang ng kanilang mga tauhan sa tatlong Senegal passenger kabilang na ang dalawang menor de edad sa Mactan-Cebu International Airport noong Marso.

Batay sa Report, nagtangka umanong ummalis ang mga Senegalese na may mga pekeng BI Stamp sa kanilang mga pasaporte.

Matapos rin ang isinagawang imbestigasyon, lumalabas na ang kanilang mga Visa ay counterfiet rin.

Paalala naman ni Tansingco sa mga foreign nationals na huwag humingi ng tulong sa mga fixers na nangangakong ipoprocess ang kanilang papeles sa illegal na pamamaraan.

Dagdag pa ng opisyal , ireport kaagad ang mga fixer sa mga awtoridad upang maartesto at makulong.

Top