-- Advertisements --
cropped Bureau of Immigration

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bureau of Immigration ukol sa mga napaulat na scamming hubs sa mga residential house sa Metro Manila.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco , bagama’t ang isyung ito ay isang local law enforcement agency matter, ito at maituturing pa rin na isang krimen na ginawa sa bansa at kabilang ito sa mga usaping immigration dahil sangkot dito ay mga foreign nationals.

Pagtitiyak ni Tansingco na nakikipag-ugnayan na ang kanilang opisina sa tanggapan ni Senator Risa Hontiveros para sa mabilisang pag kakatuntun sa mga scamming hubs na ito.

Patuloy namang naglilibot ang mga tauhan ng BI upang maimbestigahan ang mga alegasyon.

Dagdag pa ng opisyal na isusulong niya nag harmonized at unified approach sa paghawak ng mga kaso na may kaugnayan sa human trafficking.

Aniya, kinakailangan rin ng bawat ahensya na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa mga kaso ng human trafficking at illegal recruitment sa bansa.