Nagpahayag ang Bureau of Immigration (BI) ng kahandaan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa habang papalapit ang holiday season.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Krizia Sandoval mas mababa pa rin ang bilang ng mga manlalakbay na pumapasok at lumabas ng Pilipinas ngayong taon kaysa sa antas ng pre-COVID-19 pandemic.
Gayunpaman, nabanggit niya na ang mga pasahero ay tumataas pagdating ng Disyembre at Enero kaya naka-deploy na lahat ang kanilang mga immigration personnel.
As of August 31, ang kabuuang arrivals sa bansa ay nasa 3.3 milyon.
Ayon sa opisyal, mahigit 100 immigration officers ang nakatakdang magtapos sa pagsasanay at sila ay ide-deploy para tumulong sa mga airport at immigration offices sa buong bansa.
Inaasahan pa ng BI ang isa pang batch ng mga immigration officers na maaaring ma-tap habang dumarami ang mga biyahero.