Nakatakdang pumirma ang Bureau of Immigration at ang mga travel agencies sa bansa ng isang Memorandum of Agreement na naglalayong malabanan ang human trafficking sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration commissioner Norman Tansingco, kailangan ng pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at ng mga travel agencies upang matigil na ang malawakang human trafficking sa bansa.
Inihalimbawa nito ang kolaborasyon sa pagitan ng mga law enforcers at mga travel agencies sa US, kung saan nagiging instrumental ito para sa ikatutukoy ng mga biktima ng human trafficking.
Sa ilalim ng kasunduan, maaaring direktang iulat ng mga travel agencies ang kanilang mga namomonitor na kahina-hinalang biyahe, mga pekeng dokumiento, at maging ang mga hindi akma o tugmang impormasyon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Sa pamamagitan nito, agad ding tututukan ng Konseho ang mga nasabing ulat.
Samantala, bukod sa mga travel agencies, isa ring kahalintulad na kasunduan ang pinaplano ng BI, kasama ang mga airlines, at shipping companies sa bansa.