Tuloy-tuloy na raw ang ugnayan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Bureau of Immigration (BI) para maresolba ang isyu ng human trafficking at iba pang mga problema sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa ibayong dagat.
Aminad naman si Department of Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac na malaki pa ring hamon sa kanila ang isyu ng human trafficking.
Ito ay dahil na rin sa ginagamit ng mga human trafficking syndicate ang mga visa free zone area o ang mga bansang hindi na kailangan ng visa para pumasok ang mga Pinoy.
Sa ngayon ay mayroon na raw 12 human trafficking victims na nailigtas ng DMW ang sumailalim na sa legal, psychological, financial, livelihood at scholarship assistance.
Kaya naman, nagpalabas na raw ang DMW ng advisories kaugnay ng human trafficking modus a naglipana sa ngayon.
Sa panig naman ng Bureau of Immigration (BI), todo ang panawagan Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa mga airport authorities na pag-aralan ang mga “weak spots” sa mga paliparan na inaabuso ng mga sindikato.
Ani Sandoval, tuloy-tuloy na rin umano ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa human trafficking sa NAIA at hindi mag-aatubili ang BI na parusahan ang mga kawaning mapapatunayan na sangkot dito.
Kung maalala, noong mga nakaraang linggo ay pumutok ang isyu na mayroong mga ibinibigay na pekeng passes sa mga aalis sa bansa para magtrabaho sa ibayong dagat.
Papangakuan daw ang mga ito ng magandang trabaho pero pagdating sa ibang bansa ay magtatrabaho pala ang mga ito bilang mga scammers.