-- Advertisements --
BOC

Nakakolekta ang Bureau of Customs ng kabuuang kita na nagkakahalaga ng P79.5 bilyon para sa Setyembre ngayong taon.

Tumaas ng 28.4 percent ang kanilang target collection para sa buwan.

Iniugnay ni BOC commissioner Yogi Filemon Ruiz ang pagtaas ng P21.9 billion noong Setyembre na koleksyon sa mahigpit na pagpapatupad ng border control measures, na aniya, ay nagtulak sa bureau na i-plug ang mga leakage ng kita at palakasin ang trade facilitation at revenue collection performance ng bansa.

Ang koleksyon ng kita mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay 17.8 percent na higit sa target nito sa loob ng siyam na buwan ngayong taon.

Ito ay nagpapakita ng pagtaas ng P168.9 bilyon o 35.9 percent sa koleksyon sa ilalim ng parehong timeline noong 2021.