Pinasisimulan na ng Bureau of Corrections ang imbestigasyon sa ilang tauhan ng kanilang ahensya at mga Person’s Deprived of Liberty matapos mapaulat ang bentahan ng ilegal na droga sa loob ng Penal Farm sa Zamboanga City.
Kasunod ito sa pagkaka- aresto kay Abraham Jaidi,64, asawa ng isang inmate matapos itong magtangka na magpasok ng iligal na droga sa loob ng piitan
Napag-alaman na isinilid ng suspek sa kanyang bra at underwear ang pinaghihinalaang shabu na aabot sa 2.7 grams at may street value na P18,000.
Matapos naman sumailalim sa drug test ang suspect ay nag positibo ito.
Lumalabas din na positibo ang asawa nitong inmate kabilang na ang ilang bilanggo na kasamahan nito sa selda.
Samantala, binigyan linaw naman ni Catapang na hindi nila sususpendihin ang visitation rights sa nasabing penal farm.