-- Advertisements --

Naniniwala ang mga eksperto sa Estados Unidos na mahigit 20 milyong Amerikano na ang posibleng tinamaan ng 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.

Ito ay 10 beses na mas mataas sa opisyal na bilang kung saan patunay lamang na mas maraming indibidwal ang hindi nagpapakita ng sintomas ngunit positibo sa naturang sakit.

Ang bilang na ito ay base umano sa serology testing ng Centers for Disease Control and Prevention na ginagamit upang malaman ang presensya ng antibodies sa isang indibidwal na naging carrier ng deadly virus.

Ayon sa ilang opisyal ng CDC, ang estimate na kanilang inilahad ay base rin sa bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Amerika na nasa pagitan ng 2.3 million at 2.4 million.

“If you multiply the cases by that ratio, that’s where you get that 20 million figure,” wika ng isang opisyal.