-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Taguig Police ang motibo sa pamamaril kung saan patay ang isang buntis kaninang madaling araw sa Taguig City.

Sakay sa van ang buntis kasama ang mister at ama nito nang bigla na lamang sila barilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo sa Barangay South Signal.

Nakilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego, 28-anyos at anim na buwang buntis. Sugatan naman ang kanyang mister at ama.

Hinala ng pamilya na posibleng may kinalaman sa negosyo ang insidente sa kanila lalo at noon ay nakatanggap sila ng banta sa kanilang mga buhay.

Sa ngayon ongoing pa ang imbestigasyon hinggil sa pamamaril at naglunsad na rin ng manhunt operations ang Taguig police laban sa mga suspek.