-- Advertisements --

Patuloy na lumalala ang outbreak ng Bundibugyo virus disease (BVD) sa Democratic Republic of the Congo at Uganda.

Noong Mayo 27, umabot na sa 906 ang suspected cases at 223 ang nasawi sa Congo.

Noong Mayo 29, naitala ang 134 confirmed cases, kabilang ang siyam sa Uganda, at 18 kumpirmadong pagkamatay.

Kasama rito ang isang kaso mula sa U.S. na ginagamot ngayon sa Germany.

Sa Congo, matindi ang hawaan sa Ituri, North Kivu, at South Kivu.

Nahihirapan ang mga awtoridad sa contact tracing, isolation, at referral systems.

Kasalukuyang nagpapatupad ng mga hakbang ang mga national authorities at WHO tulad ng rapid response teams, medical supplies, surveillance, at community engagement.