-- Advertisements --

Nagdeklara ng outbreak ng Ebola sa Democratic Republic of Congo.

Aabot sa 246 na kaso ang naitala kung saan mayroon ng 65 katao na ang nasawi.

Ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC), na karamihan sa nasawi ay mula sa mga bayan ng Mongwalu at Rwampara ang gold-mining na mga bayan ng Ituri province.

Nagpatawag na sila ng pagpupulong sa ilang kalapit na lugar ng Congo gaya sa Uganda, South Sudan at ilang international partners para pag-usapan ang mga prioridad.

Kabilang na tatalakayin dito ang response efforts at cross-border surveillance.

Unang nadiskubre ang Ebola noong 1976 sa DR Congo na galing umano sa mga paniki.

Ito na ang pang-17 outbreak na naitala ng nasabing nakakamatay na sakit sa bansa.

Inamin ng World Health Organization (WHO) na wala pang gamot sa nasabing sakit kung saan ang fatality rate nito ay nasa 50 percent.