-- Advertisements --
image 296

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ang Bulkang Mayon ay nagpapakita pa rin ng mga palatandaan ng short-term inflation.

Ayon sa pinakahuling datos ng ahensya, nakapagtala ito ng sampung volcanic earthquakes.

Kabilang na dito ang apat na pagyanig na parehong tumagal ng isa hanggang 11 minuto.

Nagkaroon din ng slow effusion ng lava flow mula sa cater hanggang sa haba na 3.4 kilometro, 2.8 km at 1.1 km sa kahabaan ng Bonga, Mi-isi, at Basud Gullies.

Nakapagtala din pag-collapse ng lava hanggang 4 na kilometro mula sa crater na nasabing bulkan.

Una na rito, sinabi ng Phivolcs na namataan din katamtaman ang volcanic emission na may taas na 500 meters.

Hanggang sa kasalukuyan ay pinapaalalahanan pa rin ang publiko na manatili sa labas ng 6KM permanent danger zone ng Bulkang Mayon.