Mahigpit ring binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang kasalukuyang kalagayan ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Ito matapos na makapagtala muli ang naturang bulkan ng tatlong Volcanic Earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Patuloy pa rin ang paglalabas nito ng 1,089 tonlenda ng sulfure dioxed sa mismonng bunganga ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, kung ikukumpara kahapon, mahina lamang ngayon ang pagsingaw na namomonitor ng kanilang ahensya sa Bulkang Kanlaon habang patuloy pa rin ang pamamaga nito.
Sa kasalukuyan, nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan at patuloy namang pinapayuhan ang lahat na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan.