-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinatayang aabot sa 10 segundo ang pagyanig ng 5.9 magnitude na lindol kung saan naging episentro nito ang probinsya ng Bukidnon.

Ayon sa Philvolcs, nasa 8 kilometro ang lalim ng pagyanig at naganap ang unang pagyanig dakong alas-10:38 nitong gabi ng Lunes.

Ramdam ang epekto ng nasabing lindol sa mga sumusunod:

Intensity V – Kadingilan, Bukidnon
Intensity III – Cagayan De Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental; Kidapawan City
Intensity II – Koronadal City, South Cotabato

Habang nakapagtala rin na ang Phivolcs Region 10 ng tatlong mga aftershocks.