-- Advertisements --
lending pera

Inaasahang lalawak pa ang budget deficit ng gobyerno ng Pilipinas sa huling parte ng 2023 bunsod ng catch-up spending ng mga ahensya ng gobyerno sa kanilang spending commitments.

Sa mid-year report ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang inter-agency body na responsable sa pag-determina ng macroeconomics assumptions ng gobyerno, ang fiscal gap ngayong taon ay inaasahang papalo sa P1.499 trillion na katumbas ng 6.1% ng gross domestic product (GDP).

Ang budget deficit ay nangyayari kapag ang expenditures o ginastos ng gobyerno ay lagpas sa revenue ng pamahalaan.

Ang budget deficit to GDP ratio naman ay isang measure na nagkukumpara sa budget deficit sa size ng ekonomiya. Mahalaga itong indicator ng financial health ng gobyerno at ang epekto nito sa kabuuang ekonomiya.

Ang mataas na ratio ay nagpapakita mas mataas ang spending ng gobyerno kumpara sa nalikom na revenue na posibleng humantong mas mas mataas na utang at hindi matatag na ekonomiya.